Filipino workers in Singapore who were displaced from their jobs due to the COVID-19 crisis received unemployment benefit assistance from the Philippine Overseas Labor Office (POLO) and the Social Security System in the city-state.

The OFWs were issued with a Certificate of Involuntary Separation, a requirement for qualified OFW SSS members to claim the benefit.

The SSS unemployment benefit is a cash assistance that covers unemployed workers, including OFWs, who were involuntarily separated from employment due to redundancy, retrenchment, downsizing, installation of labor-saving devices, closure or cessation of operation, among others.

To be eligible for the unemployment benefit, workers must be SSS members who are not more than 60 years old at the time of involuntary separation; and have paid at least 36 monthly contributions, 12 months of which should be in the 18 months immediately preceding the month of involuntary separation.

A qualified OFW SSS member is entitled to receive the amount equivalent to the member’s average monthly salary credit (AMSC). The benefit is a one-time grant and should be availed of within one year from the date of involuntary separation.

Meanwhile, a total of 1,875 OFWs in the city state who are employed in industries adversely affected by the pandemic received DOLE’s AKAP.

The assisted OFW beneficiaries were among those terminated, placed on unpaid leave status, or suffered from at least 25% salary cuts as a result of the global pandemic. They were each granted US$200.00.

A separate 75 COVID-infected OWWA-member OFWs in Singapore have each received one-time financial assistance of US$200.00 from OWWA Singapore. The cash grant is intended to aid in the recovery of COVID-19 positive OFWs who were unable to work because of their infection and as a consequence suffered from income loss.

The OWWA cash assistance program complements the DOLE-AKAP financial assistance to OFWs whose employment was adversely impacted by COVID-19.

POLO-Singapore has so far released a total of US$360,000.00 for the program. -###

=========================================================

Mga OFW sa Singapore, nakakuha ng unemployment benefit

Nakatanggap ng tulong para sa unemployment benefit ang mga Pilipinong manggagawa sa Singapore na nawalan ng trabaho dahil sa krisis sa COVID-19 mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) at sa Social Security System sa nasabing bansa.

Inisyuhan ang mga OFW ng Certificate of Involuntary Separation, isang requirement para sa mga kuwalipikadong OFW na miyembro ng SSS upang makuha ang benepisyo.

Ang SSS unemployment benefit ay isang tulong pinansyal na sumasaklaw sa mga walang trabahong manggagawa, kabilang ang mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa redundancy, retrenchment, downsizing, paglalagay ng mga labor-saving device, at pagsasara o pagtigil ng operasyon ng kanilang kumpanya.

Para makakuha ng unemployment benefit, ang manggagawa ay dapat na miyembro ng SSS na hindi hihigit sa 60 na taong gulang sa panahon ng pagkawala nito ng trabaho at nakapagbayad nang hindi bababa sa 36 na buwang kontribusyon, kung saan 12 buwan nito ay dapat nakapaloob sa 18 buwan ‘immediately preceding the month of involuntary separation.’

Ang mga kuwalipikadong OFW na miyembro ng SSS ay maaaring makakuha ng halaga na katumbas ng average monthly salary credit (AMSC). Ang benepisyo ay isang beses lamang ibinibigay at dapat na makuha sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pagkakaalis sa trabaho.

Samantala, may kabuuang 1,875 OFW na nagtatrabaho sa nasabing bansa at naapektuhan ng pandemya ang nakatanggap ng AKAP mula sa DOLE.

Ang mga natulungang benepisyaryong OFW ang mga nawalan ng trabaho, nailagay sa estado ng unpaid leave, o nakaranas ng nasa 25% pagbabawas sa suweldo bunsod ng pandaigdigang pandemya. Sila ay nakatanggap ng US$200.00.

Kabilang naman ang 75 COVID-infected OWWA-member na mga OFW sa Singapore ang nakatanggap ng tulong pinansyal na US$200.00 mula sa OWWA Singapore. Ang tulong pinansyal ay may layong tugunan ang pangangailangan at gumaling ang mga OFW na nagpositibo sa COVID-19 at hindi makabalik sa kanilang trabaho bunsod ng impeksyon at nagresulta sa kawalan ng pagkakakitaan.

Ang programang tulong pinansyal ng OWWA ay umaagapay sa financial assistance ng DOLE-AKAP para sa mga OFW na naapektuhan ang trabaho dahil sa COVID-19.

Nakapaglabas na ang POLO-Singapore ng kabuuang US$360,000.00 para sa programa.